Lunes, Setyembre 7, 2015

Salik Na Nakakaapekto sa Demand


Ang individual na demand ay nagbabago dahil sa presyo. Ang ugnayan ng presyo at demand ay di tuwiran. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produkto na bibilhin ay may iba’t-ibang salik na nakakaapekto bukod sa presyo. Kahit manatili ang presyo,ang demand ay magbabago bunga ng mga salik na ito.

Okasyon 

Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t-ibang okasyon na dumarating. Pinahahalagan natin ang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya sa bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
Halimbawa :
Tumataas ang demand ng mga bulaklak at tsokolate kapag Araw ng mga ,
Kaarawan, at Anibersaryo, bulaklak at kandila naman kung Araw ng mga Patay, damit, sapatos, laruan, at alahas, appliances, at pagkain kapag sumasapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon at masasarap na pagkain tuwing Pista.

Ang ganitong nakasanayanan gawain ng mga tao ang dahilan sa pagtaas ng demand sa mga nasabing produkto kapag may iba’t -ibang okasyon.

Mga Salik
Ng Demand
Populasyon
Ekspektasyon

Panlasa / Kgustuhan
Presyo ng ibang produkto
Kita
Okasyon
Populasyon


Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demandsa iba’t-ibang produkto.

PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO
Magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit. Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo

Ekspektasyon 

Sa panahon ngayon na maraming kalamidadang mangyayari sa iba’t-ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, maykaguluhan at digmaan sa pagitan ng mga bansa at di pagkakaunawaan sa pagitan ng pagmamahalan at mga rebelled, ang mga konsyumer ay nag-iisip na maaaring maaapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaring maganap.

Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga konyumer ay nagpapanic-buying, lalo na ang mga tao na may sapat at labis na salapi. Bungan ng ganitong reaksiyon at espekulasyon, ang demand sa mga produkto ay tataas, kaya’t ang presyo ay tataas din.

Presyo na may Ugnay na Produkto

Mayroong tinatawag na substitute goods at complementary goods. Ang substitute goods ay mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nagtutulak sa konsyumer na humanap ng kapalit na produkto.

Halimbawa 
:

Ang karne ng baka ang
ginagamit dati sa sinigang, pero tumataas ang presyo nito nagresulta 
ng pagbaba ng demand nito dahil ang konsyumer ay bumili ng karne ng baboy bilang pamalit, kaya ang demand sa produktong ito ay tataas.
Ang complementary goods ay mga produkto na kinokunsumo nang sabay mababawasan ang kapakinabangan 
ng isang produkto kung gagamitin
nang mag-isa.

Populasyon
Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga mamimili na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demand sa iba’t ibang produkto. Maraming produkto ang kailangang iprodyus upang matugunan ang demand ng mga tao.

Panlasa/Kagustuhan

Ang pagkahilig ng mga pilipino sa mga imported products ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din ng pagbabago ng demand ng mamimili. Dito pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkunsumo ng produkto, ngunit kapag ito ay nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o marginal utility ay paliit ng paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto. Kaya ang demand sa produkto ay bumababa. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na nagreresulta ito sa pagtaas o pagbaba ng demand sa iba’t ibang produkto.

Kita

Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa Pamilya. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa pagbili ng mga bagay na kailangang matamo.

Mula sa tinanggap na kita, malaking porsyento ang inilaan para sa demand sa pagkain, nangangahulugan na maliit na porsyento na lamang ang nakalaansa demand sa damit at ibang bagay.
Normal Goods ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demands sa mga ito kasabay ng pagtaas ng kita ng tao.

Halimbawa 
Pagtulay sa Kurba ng Demand (Movement along the Curve)
Ang epekto ng presyo at ibang salik ng demand ay mailalarawan sa pamamagitan ng graph. Malalaman kung paano nagkaiba ang pagtulay sa isang kurba at pagbabago ng kurba ng demand bunga ng mga salik.

Pagbabago ng kurba ng Demand

Kung ang presyo ay di-magbabago ng kurba ng demand bunga ng iba’t-ibang salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng kurba ng demand bunga ng mga salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o vice versa.


Mga Salik :
-Pagkagusto sa isang
produkto
- Pagtaas ng Kita
- Pagpapanic-buying 
- Pagdami ng Konsyumer 
- May Okasyong 
Ipinagdiriwang
- Pagbaba ng Presyo ng kakomplementaryong produkto
- Pagtaas ng Presyo ng 
- Kapalitm na Produkto

Ang pagbaba ng demand ay nangyayari bunga ng ibang salik maliban sa presyo.
Panlasa/ Kagustuhan
Ang pagkahilig ng mga Pilpino sa mga imported na produkto ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din ng pagbabago sa demand ng konsyumer.

Dito pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng mga produkto ngunit kapag ito ay nagkasnod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o marginal utility ay paliit 
ng paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento