Martes, Setyembre 15, 2015

Ekwilibriyo

Ay sitwasyon kung saan walang sinuman sa mamimili ang gustong gumalaw o kumilos.
Ito rin ay isang sitwasyon kung saan nagtatagpo ang demand at supply.

Presyong Ekwilibriyo

Pinagkasunduang presyo ng mamimili at tindira.

Para malaman ang presyong ekwilibriyo ginagamit ang demand at supply fuction.

Halimbawa:
QD=83-4P
QS=-22+11P
QD=QS

83-4P=-22+11P
83+22=11P+4P
105=15P
7=P

Ekwilibriyong Dami

Ang bilang o dami ng produktong handang bilhin at ipagbili sa halagang napagkasunduan.
Ito ay makukuha sa paghalili ng value ng P sa Demand at Supply Function.

Halimbawa:
P=7
83-4P=-22+11P
83-4(7)=-22+11(7)
83-28=-22+77
55=55

Pagbabagong Ekwilibriyo

Sinasabi na ang paggalaw sa alinman sa supply at demand ay nakakaapekto sa natamong ekwilibriyo sa pamilihan.


Martes, Setyembre 8, 2015




Elastisidad ng Suplay

Di-elastik na Elastisidad
Nagpapakita ng mas malaki ang pagbabago ng presyo kaysa sa pagbabago ng supply. Kapag tumaas ang presyo, di-gaanong makapagtataas ng supply ang mga prodyuser sa mga produktong maraming pamalit at di-gaanong kailangan.
Ang mga bilihin o produktong medaling masira,mapainis, at mabulok ay may mababang eastisidad ng suplay. Ito ay dahil sa hindi maiimbak nang matagal ang mga produktong ito. At kung possible man ay kaianganang maglaan pa ng making haaga para sa mga gastusin sa proseso ng pag iimbak.

Sa madali o maikling panahon, ang elastisidad ng suplay ay mababa dahi sa imitadong dami ng salik ng produksyon. Subalit sa pangmahabang panahon, Ang lahat ng mga produkto ay may elastic supply dahil ang mga prodyuser ay may sapat na panahon upang matugunan ang mga pagbabago.

 Ang pagtugon ng prodyuser sa presyo o elastisidad ng suplay ay may limang uri.
1. Unitary Elastic Supply
2. Elastic Supply
3. Inelastic Supply
4. Perfectly Elastic Supply
5. Perfectly Inelastic Suppy

UNITARY ELASTIC SUPPLY
Ang unitary elastic supply ay tumutukoy sa mga produktong pangkaraniwang kinokonsumo ng isang tao o pamilya na ang pagbabago sa dami ng suplay at persyo ay magkatumbas. 

Kompyutasyon ng Elastisidad ng Supply

Ang pormula, alintuntunin, proseso sa pagkompyut ng elastisidad ay iisa, maging ito ay demand o supply.

SUPPLY


 Ang suplay ay ang dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng bahay – kalakal sa iba’t-ibang presyo. Ang suplay ay ang plano ng produksiyon ng bahay – kalakal.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgnICB9FW5E7fn_NjjorypnTzNBTdtNpGu_MJ0hP4_RtQHpZwlUhI6r_oMktyajXNe-dM4nxntZQAgMTIpYRDza-bXNPG8OFJPdKPoSahxrulnPs3D-pqKPEjLeHJ7osU-hs_6k4CHlpzQ/s400/as-markets-supply_clip_image001.gif
 Ang halimbawa ng suplay ng tinapay ng isang bahay – kalakal, may limang pamimiliang plano ang bahay – kalakal kung paano ipagbibili ang tinapay.

Ang Batas ng Suplay(Law of Supply) ay nagpapaliwang na CETERIS PARIBUS, kapag tumaas ang presyo, tataas din ang dami ng suplay. Kapag bumaba naman ang presyo, bababa rin ang dami ng suplay.Ang market supply ay piangsama – samang dami ng suplay ng bawat bahay kalakal sa isang produkto

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEitsJBkmDucrcfGgin1PR5vhBL000DaUSk7OU8ThC-gr3vrHtQs85WTze8st7yBlhQr3AW2xqbvzxjuyrxf2Wem2DabOSjUE90tghXql0IUCE-sIBEiEF-ipCGt8vODAh-jLvAntySA8v0/s400/Law+of+supply.jpg
Gastos sa Produksiyon. Ang presyong itinstskds ng bahay – kalakal sa kanilang produkto ay dapat na mas mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng tubo. Ang desisyon ng bahay kalakal ukol sa dami ng gagawing produkto ay magbabago bilang tugon sa pagbabago ng gastos sa produksiyon.Mga salik na nakakaapekto sapagbabago ng suplay.

Ang gastos sa produksiyon ay nakasalalay sa iba’t-ibang salik tulad ng teknolohiya at halaga ng mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at kapital.
Ang makabago at episyenteng makinarya sapagproseso ng pagkain ay nagdudulot ng masmalaking produksiyon ng pagkain sa mas mababanggastos.
Presyo ng Kaugnayan na Produkto. Kalimitan, ang bahay kalakal ay may reaksiyon sa pagbabago ng kaugnay na produkto.

Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng baka sa pamilihan. Aasahangdarami ang mag aalaga ng baka kung sakaling bumaba naman ang presyo ngkarne ng baboy o manok sa pamilihan, ito ang pagtutuunan pansin ng mgamangangalaga.
Pwersa ng Kalikasan. Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakatutulong upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura. Aasahan na mas mataas ang suplay kung may mainam na panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at iba pang natural na kalamidad, bumababa ang suplay lalo na ng produktong agrikultural.

 Ang pagkakaroon ng landslide sa mga lalawigan ayhumahadlang sa transportasyon ng mga produkto patungo sapamilihan sa mga lungsod kaya nagkakaroon ngpansamantalang kakulangan ng suplay rito.
Inaasahan ng mga Negosyante. May ilang negosyantena kapag inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay gumagawa ng mga ilegal na gawain tulad ng hoarding.

Ang Hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na ilalabas lamang sapamilihan kapag mataas na ang presyo nito. Nagdudulot naman itong pansamantalang kakulangan sa pamilihan.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi10cfA_QrQFcHjUJEbdVXNe5fnnKhychOekZZVwaLj5DZRKNwTv95zitja6tXDKsum_hb0SajNHylbADrwIYO7F9KS4gRoG2L6GwtYwXbsqaoQ7Wvxxo_jTf8PhQUeWKGoE8i-pprLy_Y/s1600/hoarding.jpg

Katulad ng Demand, ang suplay ay maaari ring magbago kahit walang pagbabago sa presyo nito. Ano ang dapat gawin ng mga prodyuser kapag may pagbabago sa mga naturang salik?Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon saPagbabago ng salik na nakakaapekto sa Suplay

Ang karagdagang gastos sa produksiyon ay maaaring humantong sa pagtaas ng presyo ng produkto. Ang mataas na presyo ay hindi makahihikayat ng pamimili. Dapat bigyang pansin ng mga prodyuser ang episyenteng produksiyon upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.

Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago sumuong sa isang negosyo. Ang paghingi ng payo sa mga eksperto sa negosyo ay makatutulong upang higit na magtagumpay sa papasuking larangan.

Magkaroon ng matalinong pagpaplano sa inaasahang natural na kalamidad. Ang maagang paghahanda ay makatutulong nang malaki upang maapektuhan ang produksiyon at negosyo.


Higit sa lahat, huwag lamang isipin ang sariling kapakanan. Isipin din ang kapakanan ng mga konsiyumer, lalo na yaong mga hindi kayang abutin ang mataas na presyo ng mga produkto. Ang pagsasamantala ay lalo lamang magpapalala sa kalagayan ng mga taong walang kakayahang magbayad ng malaking halaga.



Ang Elastisidad ng Demand
May pagkakataon na ang demand ay tumataas at bumababa bunga ng epekto ng mga salik, lalo na ang presyo. Ngunit dapat natin malaman kung gaano kalaki o kaliit ang magiging pagbabago ng demand dahil sa pagtaas at pagbaba ng presyo.

Price Elasticity Demand

ay pagsukat ng porsiyento ng pagbabago ng presyo.

A.Di - Elastik
Ang  demand curve ang halos bertikal na nagpapakita na di gaanong makatugon ang konsyumer sa poamamagitan ng pagbaba ng bilang ng demand sa pagtaas ng presyo ng bigas.



Ganap na Di-Elastik na Elastisidad
Ang kawalan ng konsyumer na magbawas ng demand sa bawat pagtaas ng presyoay makikita sa ganap na di-elastik na elastisidad. Ang konsyumer ay handang tumanggap ng anumang pagtaas ng presyo.

Ang demand curve ay ganap na di-elastik.

Ang pagtugon ng konsyumer sa porsyinto ng pagbabago ng presyo ay higit na mababa ang value na mababa sa isa ang kumakatawan sa di elastic na elastisidad.
Ang konsyumer ay walang kakayahan na bawasan nang mas marami ang demand kumpara sa porsyinto ng pagtaas ng presyo.

B. Elastik 
Mga Elastisidad
Ang value na mahigit sa isa ay naglalarawan sa elastic na elastisidad. Ang pagtugon ng konsyumer sa bawat porsyiento ng pagbabago ng presyo ay nagiging elastic kung sa bawat 2% ang demand ng konsyumer ay bababa ng mahigit sa 20%.

Ganap na Elastik
Ito ang nagpapakita na ang konsyumer ay hindi handang tumanggap ng anumang pagtaas ng presyo ng mga produktong maraming kapalit at di gaanong kailangan. Ang konsyumer ay handang bumili ng maraming produkto sa isang takdang presyo .
Halimbawa:
Sa presyo ng softdrinks, kayang kumonsumo nang marami ang konsyumer sa isang takdang presyo.

C. Unitary
Ang pagtugon ng konsyumer sa porsyinto ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na unitary kapag ang value na katumbas ng 1 ang nakuha sa kompyutasyon. Ito ay nangangahulugan na sa bawat 1% na pagbabago ng presy, ang demand ay bababa ng 1%.

Kompyutasyon ng Presyong Elastisidad ng Demand
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhsGYPfiAcFxXbjh5q8y-Hhb3bdJXD5LPNOFi2hG7cxh6P9p3zhmbVzvb-GtFe4jsrGFbF5Af0N9c6xhiFkGV_Mg-GxaaUtFwYSJ4ICTp6gYNPh4swniBwfJN6MUFhZXobIwH1hPHw9hog/s400/Formula+ng+demand.jpg
Malalaman kung ilang porsyinto ang pagtugon ng konsyumer sa pag babago ng presyo ng produkto sa pamamagitan ng pag-alam at pagkompyut ng presyong elastisidad ng demand.

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi10FUfirTvyiZi0xel3R-pK8_eQtlDcDQtLLz-cNwmz_pH2gxUdKbEWakGrcqtgswv7Sr3fiF7vTppsD0GGTIFrePjMk3JNjAK6vssXf-YN4P6uBM4Is-Cmlk8qwTRCSBLuWOrscXDk5I/s1600/Halimbawa.jpg
Di pinahahalagahan ang negatibong tanda (-)

Lunes, Setyembre 7, 2015

Salik Na Nakakaapekto sa Demand


Ang individual na demand ay nagbabago dahil sa presyo. Ang ugnayan ng presyo at demand ay di tuwiran. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produkto na bibilhin ay may iba’t-ibang salik na nakakaapekto bukod sa presyo. Kahit manatili ang presyo,ang demand ay magbabago bunga ng mga salik na ito.

Okasyon 

Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba’t-ibang okasyon na dumarating. Pinahahalagan natin ang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya sa bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
Halimbawa :
Tumataas ang demand ng mga bulaklak at tsokolate kapag Araw ng mga ,
Kaarawan, at Anibersaryo, bulaklak at kandila naman kung Araw ng mga Patay, damit, sapatos, laruan, at alahas, appliances, at pagkain kapag sumasapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon at masasarap na pagkain tuwing Pista.

Ang ganitong nakasanayanan gawain ng mga tao ang dahilan sa pagtaas ng demand sa mga nasabing produkto kapag may iba’t -ibang okasyon.

Mga Salik
Ng Demand
Populasyon
Ekspektasyon

Panlasa / Kgustuhan
Presyo ng ibang produkto
Kita
Okasyon
Populasyon


Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demandsa iba’t-ibang produkto.

PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO
Magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit. Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo

Ekspektasyon 

Sa panahon ngayon na maraming kalamidadang mangyayari sa iba’t-ibang panig ng daigdig at sa ating bansa, maykaguluhan at digmaan sa pagitan ng mga bansa at di pagkakaunawaan sa pagitan ng pagmamahalan at mga rebelled, ang mga konsyumer ay nag-iisip na maaaring maaapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaring maganap.

Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga konyumer ay nagpapanic-buying, lalo na ang mga tao na may sapat at labis na salapi. Bungan ng ganitong reaksiyon at espekulasyon, ang demand sa mga produkto ay tataas, kaya’t ang presyo ay tataas din.

Presyo na may Ugnay na Produkto

Mayroong tinatawag na substitute goods at complementary goods. Ang substitute goods ay mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nagtutulak sa konsyumer na humanap ng kapalit na produkto.

Halimbawa 
:

Ang karne ng baka ang
ginagamit dati sa sinigang, pero tumataas ang presyo nito nagresulta 
ng pagbaba ng demand nito dahil ang konsyumer ay bumili ng karne ng baboy bilang pamalit, kaya ang demand sa produktong ito ay tataas.
Ang complementary goods ay mga produkto na kinokunsumo nang sabay mababawasan ang kapakinabangan 
ng isang produkto kung gagamitin
nang mag-isa.

Populasyon
Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga mamimili na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demand sa iba’t ibang produkto. Maraming produkto ang kailangang iprodyus upang matugunan ang demand ng mga tao.

Panlasa/Kagustuhan

Ang pagkahilig ng mga pilipino sa mga imported products ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din ng pagbabago ng demand ng mamimili. Dito pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkunsumo ng produkto, ngunit kapag ito ay nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o marginal utility ay paliit ng paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto. Kaya ang demand sa produkto ay bumababa. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na nagreresulta ito sa pagtaas o pagbaba ng demand sa iba’t ibang produkto.

Kita

Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa Pamilya. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa pagbili ng mga bagay na kailangang matamo.

Mula sa tinanggap na kita, malaking porsyento ang inilaan para sa demand sa pagkain, nangangahulugan na maliit na porsyento na lamang ang nakalaansa demand sa damit at ibang bagay.
Normal Goods ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demands sa mga ito kasabay ng pagtaas ng kita ng tao.

Halimbawa 
Pagtulay sa Kurba ng Demand (Movement along the Curve)
Ang epekto ng presyo at ibang salik ng demand ay mailalarawan sa pamamagitan ng graph. Malalaman kung paano nagkaiba ang pagtulay sa isang kurba at pagbabago ng kurba ng demand bunga ng mga salik.

Pagbabago ng kurba ng Demand

Kung ang presyo ay di-magbabago ng kurba ng demand bunga ng iba’t-ibang salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng kurba ng demand bunga ng mga salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o vice versa.


Mga Salik :
-Pagkagusto sa isang
produkto
- Pagtaas ng Kita
- Pagpapanic-buying 
- Pagdami ng Konsyumer 
- May Okasyong 
Ipinagdiriwang
- Pagbaba ng Presyo ng kakomplementaryong produkto
- Pagtaas ng Presyo ng 
- Kapalitm na Produkto

Ang pagbaba ng demand ay nangyayari bunga ng ibang salik maliban sa presyo.
Panlasa/ Kagustuhan
Ang pagkahilig ng mga Pilpino sa mga imported na produkto ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din ng pagbabago sa demand ng konsyumer.

Dito pumapasok ang prinsipyo ng diminishing utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng mga produkto ngunit kapag ito ay nagkasnod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o marginal utility ay paliit 
ng paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto.

Biyernes, Setyembre 4, 2015

Pag-unawa sa Konsepto ng Demand

Ang pagsusuri ng ekonomiya ay mahalaga upang mabatid ang antas ng kaunlaran ng isang bansa.
Ang microeconomics at macroeconomics ay dalawang paraan upang masuri ang ekonomiya.
Ang microeconomics ay nakatuon sa pagsusuri ng maliliit na bahagi ng ekonomiya.
Sinusuri nito ang kilos, gawi, at ugali ng bawat mamimili at prodyuser gayundin ang galaw ng pamilihan.

Demand
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.
Ang presyo ay may malaking impluwensya sa pakta ng demand ng mga konsyumer.
Ang demand ay maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo.
Ang demand at ang presyo ay laging magkaugnay sa ito ay mailalarawan sa iba’t ibang paraan.
Kung mataas ang demand, mababa ang presyo. At kung mababa ang demand, siguradong mataas ang presyo.
KAGUSTUHAN + KAKAYAHAN=DEMAND

Demand Function
Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipahahayag ang ugnayan ng presyo at demand. Ito ang nagpapakita ng ugnayan sa dalawang variables.
Ang Qd o ang Quantity Demand na dependent variable at P o ang Presyo bilang independent variable
Ang Qd ay nagbabago, maaaring tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng P.

Demand Schedule
Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.

Ang ceteris paribus ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay all other things remain constant o walang ibang salik na nagbabago. Presyo lamang ang naaapekto sa Qd.

Demand Curve
Ang demand curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhing 
produkto.

Market Demand
Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama ay makukuha ang market demand.

Batas ng Demand
Ang batas ng demand ay nagsaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.





Biyernes, Agosto 21, 2015

EKONOMIKS

Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na ang ibig sabihin ay pamamahala ng sambahayan o household management.

Griyego- OIKONOMIA
Espanyol- OCONOMIA
Ingles- ECONOMY
Tagalog- EKONOMIYA

Ayun kay Adam Smith ang Ama ng Makabagong Ekonomiks ang Doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy ang nagpapaliwanag na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng pribadong sector. Bagkus, pagtuunan ng pansin ang pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa.



Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng mga tao at mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

Ang pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan, at konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw na pamahalaan ukol sa pamamalakad ng eknomiya.

Ang Ekonomiks ay nahahati sa siyam. Ito ay ang Agham Pampolitika, Kasaysayan, Sosyolohiya, Etika, Heograpiya, Biyolohiya, Kemistri, Pisika, at Matematika.



Ang ekonomiya ay napalolooban ng maraming gawain na isinasagawa ng mga tao upang paunlarin ang kanilang pamumuhay at ng bansa. Isa sa paraan ng pag-alam sa kaganapan sa ekonomiya ay pag-aaral sa maliit na dimension nito.